28

By

Cansino determinado, bagong armas ng UST

Sharing is caring!

Inamin ni University of Santo Tomas Growling Tigers super rookie CJ Cansino na marami pa siyang kailangan matutunan matapos matalo sa kamay ng National University Bulldogs, 70-75, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.

Binuhat ni Cansino ang UST na gumawa ng 20 puntos at nakakuha ng 10 rebound.

“Medyo masakit kasi talo kami. More on sa defense kasi palagi akong nabo-blow by,” ani Cansino pagkatapos ng laban. “A lot to improve on.”

Kahit malaki na ang lamang ng NU, tinangka pa rin ng UST na maipuslit ang panalo ngunit kinapos sila sa bandang dulo, 70-75.

“I just want to win kahit down by [17], sabi ko baka may magawa ako kaya I just attacked the basket,” paliwanag ni Cansino.

Kahit na natalo, naniniwala pa rin si Cansino na makababawi sila sa kanilang susunod na mga laban.

“Talo man kami pero this will make us a better team. Good sign para samin yung natutunan namin this game,” saad niya.

“I’m gonna do my best, I’m gonna compete,” pagtatapos ni Cansino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?