21

By

Cansino bumagsak, kinailangang ii-stretcher palabas ng court

Sharing is caring!

Kita ang ngiwi sa mukha ni University of Sto. Tomas rookie CJ Cansino matapos nitong biglaang dumausdos sa court.

Sa kanilang laban kontra sa University of the Philippines, pa-drive sa basket si Cansino bandang 5:57 sa 2nd quarter, ngunit bumagsak at sabay hawak sa kanyang kaliwang tuhod.

Inilagay sa stretcher si Cansino, na nangiyak sa sakit na nararamdaman sa loob ng locker room.

Ang super rookie ay nag-aambag ng 13.7 points, 10.9 rebounds, at 3.9 assists sa bawat laro.

Nakalabas na ng dugout ang binata habang nanonood sa bleacher, na kitang naka-tape ang kanyang kaliwang tuhod.

Ang inisyal na diagnosis ng mga tumingin sa binata ay left knee sprain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?