22
cj-cansino
By

Cansino binitbit ang UST sa semis

Sharing is caring!

Kinahon ni CJ Cansino ang walong puntos sa extra period upang akbayan ang University of Sto. Tomas kontra Adamson University, 73-72 kahapon at sikwatin ang natitirang semifinals berth sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Tumikada ng importanteng puntos si Cansino upang ilagay ang Tiger Cubs sa unahan, 73-68 may 1:13 minuto na lang sa overtime.

Haharapin ng UST ang defending champion Far Eastern University-Diliman sa knockout step-ladder match sa Sabado sa alas-10 ng umahaga sa Katipunan venue.

Hawak ng Tiger Cubs ang 2-0 laban sa Baby Tamaraws sa kanilang elimination round head-to-head ngayong season.

Makakatapat ng mananalo ang National University na may twice-to-beat advantage sa pangalawang second step-ladder match.

Nakalawit ng Ateneo ang outright Finals berth matapos kumpletuhin ang double-round elimination round sweep.

Nagtala si Cansino ng 24 points, siyam na rebounds, anim na assists at dalawang blocks, bumakas si Kobe Palencia ng 15 markers habang tumikada si John Lina ng double-double na 12 puntos at 12 rebounds para sa UST.

Namuno sa opensa para sa Adamson U si Jose Sabandal na may 20 pts. at tig siyam na boards at assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?