538

Feb 16, 2020 @ 11:30
By

Cannabis pwedeng gamitin sa epilepsy – DDB

Inaprubahan na ng Dangerous Drugs Board (DDB) “in principle” ang panukala upang payagan ang paggamit ng cannabidiol (CBD)–na sangkap ng cannabis o marijuana–sa pagpapakalma ng malulubhang porma ng sakit na epilepsy.

Ang DDB ang policy-making at strategy-formulating body ng gobyerno sa pag-iwas at pagkontrol sa drug abuse. Ang CBD naman ang isa sa dalawang pinakaaktibong sangkap ng cannabis, bukod sa tetrahydrocannabinol (THC) na nagbubunga ng “high” effect nito.

Sabi sa Inquirer ni Undersecretary Benjie Reyes, isang DDB permanent member, na nagkondukta ang DDB ng public hearing kasama ang Philippine Cannabis Compassion Society (PCCS) tungkol sa dalawang paksa:

1. Reclassification ng mga gamot na may CBD at less than 0.1 percent THC mula Schedule 1 (walang tanggap na medical use sa Pilipinas sa ngayon) at Schedule 2 (merong tanggap na medical use sa ngayon) patungong Schedule 4 (merong tanggap na medical use sa Pilipinas sa ngayon at may mababang potential para sa abuso); at

2. Paggawa ng patnubay para sa DDB board resolution na pinamagatang “Requirements for the Issuance of a License to Acquire, Possess and Use Unregistered Drug Products Containing Dangerous Drugs for Personal Use.”

“We adopted it in principle last December [2019],” ani Reyes sa Inquirer.

Sakaling maisabatas ang House Bill No. 279, mali-legalize at mare-regulate nito ang medical use ng cannabis na napatunayang may kapaki-pakinabang na epekto sa paggamot o pagpapakalma sa mga chronic na sakit.

Magtatatag din ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC), na awtorisadong magbenta, magsuplay, at magpakalat ng medical cannabis sa kwalipikadong pasyente o kanilang caregiver sa pamamagitan ng S3-licensed pharmacists.

Ayon kay PCCS spokesperson Dr. Donnabel Cunanan, merong 250,000 bata sa bansa na dumaranas ng epileptic seizure disorder as of 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?