14

May 9, 2021 @ 16:00
By

Canelo hari pa rin ng middleweight division

Dinomina ni Canelo Alvarez ng Mexico ang katunggaling si Briton Billy Joe Saunders sa loob ng walong rounds upang masungkit ang TKO victory sa harap ng lagpas 73,000 katao sa AT&T Stadium sa Texas nitong Linggo (Philippine Time).

Matapos ang ika-walong round ay sarado na ang kanang mata ni Saunders at dito na napagdesisyonan ng kanyang kampo na itigil na ang laban.

Dahil sa panalo ay nanatili ang WBC at WBA super middleweight belts sa kamay ni Alvarez at nakuha rin niya ang WBO belt ni Saunders. Pinaganda rin niya ang kanyang record sa 55-1-2 at 38 knockouts, habang nalasap naman ng Briton ang una nitong talo sa 31 laban.

“I knew this would be final outcome,” saad ni Alvarez sa pamamagitan ng translator pagkatapos ng laban. “I knew it. I think I broke his cheek and knew he wasn’t coming out of the corner. I told Eddie [Hearn] he wasn’t coming out because I broke his cheek. I knew it was it.”

Sinugod naman si Saunders sa pagamutan pagkatapos ng sagupaan. Ayon sa kanyang promoter, mukhang nabasag ang orbital bone ng boksingero.

“He’s a young man. He’s got a family. He’s got children. I’ve known him a very, very long time. He lives to fight another day,” ani Mark Tibbs na siyang trainer ni Saunders.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?