38

Jan 9, 2022 @ 10:27
By

Candy sapol muli sa Covid 19

Hindi na naman nakaligtas sa COVID-19 ang komedyante na si Candy Pangilinan.

Sa pinakabagong YouTube video ng komedyante, ibinalita nito na nagpositibo na naman siya sa virus.

“Wala si Quentin ngayon, hindi ko kasama kasi naka-isolate po ako. This is the second time na nagkaroon ako ng COVID-19. The first time was last year, December,” pahayag nito sa kaniyang vlog.

Nangangamba ngayon si Candy na mahawaan ang kaniyang pamilya lalo pa’t nakakaramdam ito ng sintomas kagaya ng sipon, ubo, kawalan ng gana kumain, at sakit ng ulo.

“Dasal ko lang, sana talaga hindi mahawa si Quentin tsaka si Mama,” saad ni Candy.

Aniya pa, tanggap niya kung siya lang ang magkakasakit, ngunit hindi umano niya matatanggap kung pati ang anak at kaniyang ina ay mahahawa.

Hindi naman napanghinaan ng loob si Candy, aniya ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nakakapag-isolate siya sa loob ng kaniyang tahanan.

“Even though I have COVID-19 right now and it’s the start of the year, believe it or not, I am still very grateful because I am isolated here in the house. I am still very blessed,” ani Candy.

Sa ngayon, nakakausap ng komedyante ang kaniyang anak sa pamamagitan ng microphone sa labas ng kaniyang kwarto.

(Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?