10

By

Candy Pangilinan walang kaso kung idirek ng baguhang si Fifth Solomon

Sharing is caring!

Bukod sa bagong Kapuso teleserye starring Ken Chan titled ‘My Special Tatay’ na nagsimula na last Monday, mapapanood din ang versatile na comedienne na si Candy Pangilinan sa pelikulang ‘Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka’.

Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Alex Gonzaga, Vin Abrenica, Jerald Napoles, at marami pang iba, sa direksiyon ni Fifth Solomon.

Sa movie na ito, ang director na si Fifth Solomon ay baguhan pa lamang kaya may mga nagtataas daw ng kilay dito.

Pero si Candy, hindi ba siya nagdalawang isip na magpadirek kay Fifth?

Esplika ni Candy, “Si Direk Fifth kasi, siya rin ang sumulat nito kaya hinayaan ko siya kung ano ang gusto niya.

“Kasi may vision siya… sumunod lang ako.

“Although minsan ay nagsalita ako about sa script and character. Mayroon naman siyang sagot sa akin, kaya ibinigay ko na sa kanya ang gusto niya. Kasi, maganda rin namang makatrabaho ang mga baguhan na direktor at artista, kasi marami rin tayong matututunan sa kanila.”

Kamusta namang katrabaho si Alex?

Pahayag ng aktes, “Si Alex, masarap katrabaho at magaan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?