26

By

Candy Pangilinan balik sa bakuran ng Kapuso

Sharing is caring!

Nagbabalik sa GMA7 ang comedienne na si Candy Pangilinan via ‘My Special Tatay’ na pinagbibidahan ni Ken Chan.

Bago ang My Special Tatay, napanood si Candy sa TV series na ‘Araw Gabi’ ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Ang last TV series naman niya sa Kapuso Network ay ang ‘Marimar’ ni Megan Young noong 2015.

Under contract ba siya ngayon sa GMA7?

Esplika ni Candy, “Ang contract ko po sa GMA7 ay for the series. Dasal ko na sana ay bigyan na nga nila ako ng contract. Hehehe.”

Mas okay ba sa kanya ang maging contract artist ng isang TV network, kaysa freelancer? “Actually kung saan po may trabaho, roon ako. Lalo kung maganda ang role, siyempre hindi ako tatanggi,” aniya.

Dagdag pa ng magaling na comedienne, “Kaya thankful ako kay Lord na kinukuha pa rin tayo hanggang ngayon at may mga blessings na dumarating tulad nitong seryeng ‘My Special Tatay’.”

Inusisa rin namin siya hinggil sa role sa seryeng ito at paano ide-describe ito?

Saad niya, “. I play the role of Chona, ninang ni Boyet (Ken) at pinsan ni Isay (Lilet). Katuwang ni Isay sa pagpapalaki kay Boyet. Parlorista at masipag.

“Iyong may My Special Tatay, punong-puno ng puso, sigurado po akong may hatid na kurot sa puso sa manonood ang kuwentong ito,” saad pa ni Candy.

Bukod sa TV, mapapanood si Candy sa pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka sa September 15, starring Alex Gonzaga, Vin Abrenica, Jerald Napoles, at marami pang iba, sa direksiyon ni Fifth Solomon.

Abala rin ang aktres sa business niyang Q Bags by Candy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?