299
Candy nagkuwento sa masamang karanasan sa gasolinahan
Mar 19, 2019 @ 18:50
By

Candy nagkuwento sa masamang karanasan sa gasolinahan

Dismayado si Candy Pangilinan sa nagawa ng isang gasoline station sa kanyang mommy.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Candy na nagkamali ng karga gas sa sasakyan ng kanyang nanay.

“Maling gas ang ni-load nila sa kotse ng mommy ko. Imbis na unleaded naglagay ng diesel,” himutok ni Candy.

Kinausap daw niya ang gasolinahan pero hindi rin ito naresolba.

“Ngayon kinausap ko na ayusin nila. Sabi nila sa akin, wala daw mekaniko tonight at bukas na lang daw. Mahal daw kasi yung mekaniko na available. Eh diba mas mahal pag nasira yung sasakyan. Kinausap ako na parang ako pa ang kulang sa understanding,” aniya pa.

Gustuhin man umano niyang magalit ay hindi niya magawa dahil sa wala siyang tulog at sa bandang huli ay pinangalanan na niya ang naturang gasoline station.

“Ano ba dapat gawin ko? Parang gusto ko sana magalit. Kaso puyat ako at wala pa akong tulog. Nakakatamad magalit. Hahaha. Powerfill, Visayas Ave. Haaaay. Saaad…” saad ni Candy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?