41

By

Candy factory sa Taytay nasunog

Sharing is caring!

Umaabot sa mahigit P10-milyong ari-arian ang nasunog makaraang tupukin ng apoy ang isang candy factory kungsaan nasa mahigit 1,000 ang nalusaw na mga kendi sa loob ng pagawaan ng candy factory sa Rizal Technopark sa Taytay, Rizal.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy bandang alas-2:40 ng madaling-araw sa loob ng Sweet Tech Industries na pag-aari ng isang Kim Chung sa Barangay San Juan.

Agad naman naapula ang sunog at idineklarang fire under control bandang alas-3:54 ng madaling-araw na umabot sa ikalawang alarma.

Natupok din ng apoy ang katabing warehouse ng mga tela na kung saan ay mabilis na naagapan.

Base sa salaysay ng ilang trabahador na nasa loob ng pagawaan ng kendi, nakita nila ang makapal na usok mula sa cutting section ng mga candy at agad nilang binomba gamit ang fire extinguisher subalit mabilis naman kumalat ang apoy.

Ayon kay Taytay Bureau of Fire Protection chief Fire Safety Inspector Winnie Astrero, idineklarang fire out bandang alas-5:41 na ng umaga at walang naman naiulat na nasktan sa naganap na sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?