82

Oct 20, 2017 @ 12:53

Cancer treatment, gawing abot kaya – Angara

Isininusulong ni Senador Sonny Angara na mas maging abot kaya at nararapat ang mga cancer treatment para sa mga Pinoy.

Ayon kay Angara, dahil sa cancer nalulubog sa kahirapan ang mga pamilyang may kaanak na dumaranas nito dahil mabigat ang gamutan.

Batay sa Philippine Statistical Authority report, isa sa bawat 10 namamamatay sa bansa ay dahil sa cancer.

Sa pag-aaral naman ng Cancer Coalition of the Philippines, kada oras, pitong Pinoy ang namamatay dahil sa cancer.

Lumitaw din sa pag-aaral na ang ilan sa naiulat na premature death dahil sa cancer ay maisisisi sa kakulangan sa kaalaman sa mga sintomas nito, delyaed diagnosis o misdiagnosis, walang access sa health facilities, limitadong health system infrastructure at kawalan ng mga trained health professional.

Sa inihaing Senate Bill 1570, nais ni Angara na maglaan ng P30 billion ang pamahalaan bilang cancer assistance fund upang suportahan ang medical at treatment assistance program sa cancer patients.

Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng 10% ng kita mula sa excise tax sa alcohol at tobacco products para sa cancer control and management program.

“We must afford every Filipino cancer patient with the highest possible chance of survival,” saad ni Angara. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?