366

Cancelledt! 3 worst trait ni Alex Gonzaga ayon sa mga netizen

Maraming beses na binatikos ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga.

Bagama’t 4.65M ang mga subscriber niya sa YouTube at 1.4M ang mga follower sa Twitter, inuulan pa rin ang actress-host ng mga hate comment.

Narito ang ilan sa mga nakayayamot na attitude ni Alex, ayon mismo sa mga netizen.

1. Close-minded

May mga netizen na sinsero ang pahayag at pinapaliwanag kung bakit sila na-offend sa social media activity ng aktor, pero ayaw nitong makinig.

Noon ay minasama ang Instagram post caption niyang “Japan, Japan sagot sa kahirapan!” dahil ginawa umano nitong katatawanan ang paghihirap ng mga OFW sa Japan, kibit-balikat lang ang aktor.

Inamin na nga nitong “manhid” siya sa mga komento ng kritiko at basher niya.

2. Arogante

Siguro naman alam niyang dahil sikat siya, may impluwensiya siya. Kasama dun kung ano opinyon niya sa mga isyu sa bansa ngayon.

Oktubre 2018 nang batikusin siya sa biro umano niyang “Ihi tayo, drug test tayo” sa Cubao Expo vlog niya. Punto ng mga naalarmang netizen gaya ni Jericho Rayel, “hindi nakakatawang pagbintangan kang adik.”

Sabagay, ano ba namang paki niya sa libong namatay sa Oplan Tokhang at batas militar, tagasuporta nga pala siya, maging kapatid nitong si Toni, nina Duterte at Marcos.

3. Insensitive

Lahat na lang para sa kanya, biro. Kapag nasaktan ka, talo ka. Kahit valid naman ang sinabi o inaalala mo, kailangan “chill” ka lang kasi “joke” lang naman.


Usisa ng mga netizen, “Anong nakakatawa sa mga pinagkakaitan ng karapatan?”

Hindi na nga marunong mag-sorry, sasabihan pa ni Alex ang mga netizen na balat-sibuyas. Mukhang gusto talagang kumonti ang mga tagapasunod.

Balala nga niya, “Watch at your own risk. Kung sensitive ka, mag-next video ka nalang (sic) muna. (emoji: tumatawang mukha).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?