15
rondina

Canadians ‘di umubra sa tambalang Rondina-Gervacio

Sharing is caring!

Umabante sa quarterfinals ng FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open sina Sisi Rondina at Dzi Gervacio matapos gapiin ang Canadian duo nina Megan Nagy at Caleigh Cruickshank, 21-17, 21-17, nitong Sabado sa Sands SM By The Bay.

Nakabalik ang mga Pinay matapos ang 20-22, 21-23 pagkatalo kina Paula Soria at Maria Belen Carro ng Spain.

May 1-1 win-loss record na sina Rondina at Gervacio at nakatakdang harapin ang Japanese tandem na sina Shinako Tanaka at Sakurako Fuji sa quarterfinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?