54

By

Canadian PM Justin Trudeau pinagkaguluhan sa Clark

Sharing is caring!

Nagmistulang hollywood acto si Canadian Prime Minister Justin Trudeau makaraang pagkaguluhan ito ng mga well-wishers pagbaba nito ng kanyang sinakyang eroplano sa Clark International Airport sa Clark, Pampanga.

Pasado alas-2:00 ng hapon kahapon nang lumapag ang eroplano ng Prime Minister at sinalubong ng mga opisyal ng gobyerno at mga local na opisyal ng lalawigan ng Pampanga.

Kinilig ang ilang mga nag-aabang na kasama sa welcoming party at game namang pinuntahan sila ni Trudeau para makipagkamay sa mga ito.

Ang Canadian Prime Minister ay kasama sa mga Heads of State na dadalo sa 31st ASEAN Summit and related Summits sa bansa kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang host at Chairman ng ASEAN.

Ito ang ikalawang pagbisita ni Trudeau sa Pilipinas, una noong ginanap sa bansa ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit noong 2015.

Nauna ng dumating kahapon ng umaga ang mga lider ng Laos, Malaysia, Singapore, New Zealand at Indonesia. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?