529

Mar 29, 2020 @ 23:38
By

Canadian, American national, 6 Pinoy crew nasawi sa eroplanong nagliyab sa NAIA

Kabilang umano sa mga pasahero ng nagliyab na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ay Canadian, American national at anim na Pilipinong crew.

Sinabi ito ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa ginawang press briefing ilang oras matapos ang insidente.

Ayon kay Monreal nag-take off ang eroplano sa runway 06/24 dakong alas-7:57 Linggo ng gabi at patungo sana sa Haneda, Japan. Tatlong minuto matapos nito naganap ang insidente.

Pinaliwanag naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General Don Mendoza na batay sa ulat na nakuha sa Manila tower, naalarma umano sila nang matagalan ang pag-take off ng eroplano sa kabila ng size nito.

Nilinaw din niya na maayos ang kondisyon ng eroplano at may lisenya ang mga piloto nito.

Sinabi din ng opisyal na ang eroplano ito ay nagdadala ng mga medical suppy pero hindi pa natutukoy bakit ito pupunta sa Japan.

Kinumpirma pa ng CAAP na LionAir ang operator ng nasunog na eroplano na parehong operator din ng bumagsak na eroplano sa Laguna noong Setyembre 2019.

Pinag-aaralan na ang pag-suspende sa buong fleet ng LionAir dahil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?