24

By

Campbell kalembang ng Aces

Sharing is caring!

Malaking responsibilidad ang babalikatin ni Antonio Campbell para ibangon ang Alaska sa PBA Commissioner’s Cup.

Hindi umabot sa playoffs noong nakaraang taon ang Aces, tinapos ang 11-game eliminations sa 4-7 sapat para sa ninth place. Huling nagkampeon ang Alaska noong 2013 sa parehong torneo pa.

Ayon kay coach Alex Compton, marami silang pinagpilian pero bandang huli ay nagdesisyon ang team na tapikin sa midseason conference si 6-foot-9 Campbell na rekomendado ng dating resident import nilang si Sean Chambers.

Huling team na nakapili ng reinforcement ang Aces, April 6 ay dumating sa bansa ang 23-anyos na si Campbell, undrafted noong 2017 sa NBA at naglaro sa Lakeland Magic sa G League.

Kabilang sa pinagpilian si Christian Wood na dating naglaro sa Philadelphia 76ers at Charlotte Hornets.

“We signed Antonio after looking at many different players,” lahad ni Compton, nagtimon sa Alaska sa huling 11 conferences at nadala sa Finals nang apat na beses pero hindi nagkampeon.

Umpisa pa lang daw ay nasa unahan na ng listahan nila ang produkto ng Ohio na si Campbell. Malaki ang tiwala ni Compton sa rekomendasyon ni dating Mr. 100 Percent Chambers, reinforcement ng Aces mula 1989 hanggang 2001 at hinatid pa ang team sa grand slam noong 1996.

“We’re hoping he (Campbell) could help us get back to our winning ways,” dagdag ng mentor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?