448

By

Campaign caravan ng HNP dinagsa sa Pampanga

Isang campaign caravan ang isinagawa ng partidong Hugpong ng Pagbabago sa pangunguna ng Presidential daughter na si Inday Sara Duterte sa opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa darating na eleksyon 2019.

Libu-libong taga-suporta ang nagtipon sa Capitol Compund sa Barangay Sto. Niño upang masaksihan ang paglulunsad ng 13 kandidato sa ilalim ng partido.

Ang 13 kandidato na inendorso ng HNP ay ang mga senador na sina Cynthia Villar, Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, JV Ejercito, at Sonny Angara;mga dating senador na sina Jinggoy Estrada, at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Kabilang din sa mga inendorso ng partido sina dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, dating Philippine National Police chief Roland ‘Bato’ dela Rosa, Taguig City 2nd District Rep. Pia Cayetano, Maguindanao 2nd District Rep, Zajid ‘Dong’ Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating presidential political adviser Francis Tolentino at ang journalist na si Jiggy Manicad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?