32

Oct 5, 2021 @ 15:29
By

Camille Villar asam pangalawang termino

Naghain ng kanyang certificate of candidacy si Deputy Speaker Camille Villar na muling tatakbo bilang kinatawan ng Las Piñas City.

Inihain ni Villar ang kanyang COC sa Office of the Regional Election Director – Commission on Elections (Comelec) National Capital Region (NCR) ngayong Martes.

Kung mananalo sa kanyang ikalawang termino, nangako si Villar na ipagpapatuloy ang paglapit ng pangunahing serbisyo sa kanyang mga constituents at tutulong upang mabilis na makabangon ang siyudad mula sa epekto ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?