14

Oct 19, 2020 @ 13:51
By

Camille to the rescue kay Shaun

Kahit magmistulang ‘cable-woman’ gagawin ito ni NU Lady Bulldog cager Camille Clarin basta’t para sa nobyong si NU Bulldog star Shaun Ildefonso.

Sa Instagram story ng anak ni Danny I na si Shaun ay ipinasilip nito na to the rescue ang NU Lady Bulldog cager niyang girlfriend para malinis at maayos lang ang magulong set-up ng kanyang kable ng ‘gaming rig.’

“Sunday cable management with bae@camilleclarin,” caption ng 23-anyos na cager kung saan kitang sumuot pa sa ilalim ng lamesa ang nobya maayos lang ang kable ng kanyang computer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?