1,259

Apr 20, 2021 @ 18:44
By

Camille sa ‘babae’ ni Jayzam: Ambobo mo, literal!

Imbes na ibunton ang galit kay Jayzam Manabat ay ang mga ‘other woman’ pa ang napagsabihan ni Camille Trinidad sa kanyang paglabas sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa Tuesday episode ng ‘Wanted sa Radyo’, inireklamo nina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo sina Jayzam at Camille dahil sa paglabas ng kanilang mga larawan sa mga babaeng na-involve kay Jayzam.

Kinontra ni Dambie ang alegasyon at sinabing wala silang naging relasyon ni Jayzam, habang inamin naman ni Nyca na nahulog ang loob niya sa vlogger dahil akala nito’y hiwalay na ang JaMill.

Saad ni Camille, dapat ay alam na ng dalawang babae ang kanilang limitasyon dahil may dyowa si JayZam.

“Gusto ko lang sabihin na unang-una pa lang na alam naman nila ‘yung tao na may kabahay na di ba? Bakit nila gina-grab ang pagcha-chat ng boyfriend ko kahit alam naman nilang may kabahay na?” giit ni Camille.

Pinaratangan din ni Camille ang nagreklamong si Dambie na nagse-send daw ang babae ng mga picture ng dibdib nito sa kanyang boyfriend.

Hindi rin napigilan ni Camille ang kanyang sarili nang pangatwiran ni Dambie na biro lamang daw ang pagsasabi nitong gusto niyang maging sugar daddy si Jayzam.

“Alam mo Dambie, ambobo mo literal! Alam mo tatanggapin mo na lang ‘yung ginawa mo, hindi mo pa magawa. Chat ka ng chat sa’kin… anong klaseng pagkakaibigan ‘yan Dambie. Hindi ka na nahiya sa pamilya mo!” lahad pa ni Camille.

Pumagitna naman si Tulfo at sinabing pare-parehas lang silang biktima dahil sa pambabae ni Jayzam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?