569

Jun 2, 2021 @ 21:24
By

Camille Prats viral sa galing kumembot

Viral ang malupit na TikTok dance moves ni Camille Prats.

Napa-react pa ang mga kapwa celebrities niya sa video na ipinost niya sa Instagram, kung saan nag-flex din siya ng bagong hairdo pati na rin ang kanyang fit figure!

“Celebrating my birth month with a tiktok dance. launching na din ng short hair ko,” caption ni Camille sa video na mayroon nang 300,000 views.

Kabilang sa nag-react si Pauleen Luna, “Grabe na tooo.”

Biro naman ni Chariz Solomon: “Diyos ko lagot ka talaga kay VJ baby #4 ka day!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?