13

Jun 21, 2021 @ 14:39
By

Camille Prats, mister nagpabakuna kontra COVID

Naturukan na ng unang dose ng coronavirus vaccine si Camille Prats at kanyang asawa.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Camille ang mga larawan habang sila’y binabakunahan.

“Getting vaccinated means protecting ourselves, our families, our communities and soon.. our country!!” caption ni Camille.

Hinikayat niya ang publiko na magparehistro para mabakunahan na at maka-move forward ang bansa.

“Kapit lang mga kababayan! Kayang kaya natin to Pilipinas!!” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?