42

Jan 25, 2021 @ 13:11

Camille Prats binata na anak

Ipinagdiwang ng anak ni Camille Prats na si Nathaniel ang kanyang ika-13 na kaarawan kahapon.

Sa Instagram post ng aktres, makikita ang kanyang pagbati sa anak at pagbigay nito ng mensahe sa kanya.


Aniya, hindi siya makapaniwalang 13-anyos na ito.

“Whaaaat?!?! 13?!?! Noooo!!!” Camille began. “My heart is still not ready to admit you’re 13!!” saad niya sa caption ng post.

Aniya, mahal na mahal niya ang kanyang sweet na anak.

“I loooove you! We are soooo proud of you kuya. Keep being you and keep being awesome,” sambit niya.

“I love you with allll my heart, my sweet boy,” dagag pa nito.

Si Nathaniel ang anak ni Prats sa mister niyang si Anthony Linsangan na pumanaw noong 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?