279

Jan 28, 2019 @ 16:33
By

Camille parang nanalo sa lotto sa gender ng second baby nila ni VJ

Nagdaos ng gender reveal party si Camille Prats at mister niyang si VJ Yambao.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Camille ang gender ng ikalawa nilang anak ni VJ.

“I was secretly praying for a little prince coz I want @nalacamilla to be the only princess in our family only to find out that we are blessed with a BOY! what an amazing surprise!” sabi ng aktres sa IG post.


Aniya, para umano siyang nanalo sa lotto nang malaman ang gender ng sunod niyang baby.

“The moment we found out what our next baby will be! pramis parang nanalo sa lotto yung saya ko!”

Ang panganay ni Camille kay VJ ay si Nala na isinilang noong 2017 habang may una na siyang anak sa namatay na asawa na si Anthony Linsangan na si Nathan.

May anak na rin si VJ sa dati nitong karelasyon, si Isaiah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?