597

Dec 25, 2018 @ 16:02
By

Camille buntis sa ikatlong anak

“The best” ang Christmas gift na natanggap ng pamilya ni Camille Prats.

Nadiskubre nila na buntis ang aktres sa ikatlo nitong anak.

Sa kanyang Instagram masayang ibinalita ni Camille ang kanyang muling pagbubuntis.

“Our family is getting merrier coz a little present is on the way! God’s greatest gifts comes in surprises and we are over the moon! Unwrapping on July 2019! Truly a Merry Christmas indeed from our family to yours!” ani Camille.

Ikinuwento naman ni Camille sa kanyang Youtube channel kung paano nilang nadiskubre ang kanyang pagbubuntis.

“Dahil medyo matagal na rin akong hindi dumadating ‘yung period. I decided to take a PT (pregnancy test) and may faint line siya na positive pero hindi talaga full so medyo nakakapraning, nakaka-excite, sobrang mix emotion,” ani Camille.

Para umano makumpirma, nagdesisyon sila ng kanyang mister na si VJ Yambao na bumisita sa obstetrician-gynecologist.

Mayroon nang dalawang anak ang mag-asawa.

Ang panganay nila ay si Nathan na anak ni Camille sa una nitong asawa na si Anthony Linsangan, na namatay sa cancer noong 2011.

Sinundan ito ng anak nila ni Yambao na si Nala, na isinilang taong 2017.

Mayroon din siyang stepson na si Isaiah. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?