93

Nov 22, 2019 @ 17:53
By

Camille ayaw nang mabuntis

Wala nang balak sundan ni Camille Prats at mister niyang si VJ Yambao ang four-month-old bunso nilang si Baby Nolan.

Ani Camille, masaya na sila sa apat nilang anak.

“Kasi, all in all, we have four kids na, and happy na kami roon. Gusto kasi namin to be able to give quality time to our kids,” paliwanag ni Camille sa PEP report.

Dagdag pa niya, gusto nilang ibigay ang best sa kanilang mga anak at hindi lang kung ano lang ang kailangan ng mga ito.

Noong pinagbubuntis din naman daw niya si Nolan ay nagkasundo na sila ni VJ na huling anak na nila ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?