7

By

Camila Cabello big winner sa AMAs

Sharing is caring!

Dalawang major award ang nasungkit ng ‘Havana’ singer na si Camila Cabello na posible pang madagdagan sa American Music Awards (AMAs) nitong Miyerkoles sa Pilipinas.

Kasagsagan pa ng AMAs, pero sa unang announcement of award ay ibinulsa agad ng dating miyembro ng ‘Fifth Harmony’ ang Favorite Pop/Rock song para sa Havana, at New Female Artist of the Year.

May inaabangan pang nomination si Cabello na Best Collaboration para rin sa ‘Havana’ ft. Young Thug., Favorite Female Artist Pop/Rock, at Favorite Music Video para rin sa Havana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?