5,739

Aug 23, 2020 @ 12:27
By

Cameraman ni Ben Tulfo natagpuang patay

Kinumpirma ni Ben Tulfo sa kanyang Programang Pambansang Sumbungan na bangkay nga ng kanyang cameraman na si Sandy Villapando ang natagpuan ng mga pulis sa isang lugar sa Regalado Avenue, Quezon City

Personal na kinilala ng asawa nito ang bangkay ng cameraman sa isang punenarya sa Novalichez, Quezon City.

Narecover ng QCPD ang bangkay ng biktima noong July 21 ng madaling araw pero hindi agad ito nakilala dahil sa walang indentification na nakuha sa bangkay nito.

Una nang inireport na nawawala si Villapando noong July 20 matapos na umano’y kunin ng ilang kalalakihan at isakay sa isang SUV sa Tandang Sora, Quezon City ilang metro mula sa inuupahan niyang appartment

Sa pahayag ni Ben Tulfo sa kanyang programa sinabi nito na umalis bilang cameraman ng Bitag si Villapando sa pagitan ng 2016 hangang 2018 kung saan naging asset ito Philippine National Police.

At noong 2019 ay muli siyang bumalik sa Bitag bilang fulltime Cameraman.

Ayon na munang magbigay ng iba pang detalye ni Ben Tulfo pero sinabi nito sa kanyang programa na may ginagawa silang sariling imbestigasyon para alamin ang motibo at kung sino at paano namatay si Villapando.

Naging Cameraman din ng programang Imbestigador ng GMA7 si Villapando bago pumasok sa BST Tri-Media Bitag ni Ben Tulfo.

Nananawagan ang mga kaibigan ni Villapando sa kinauukulan partikular na kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director at Undersecretary Joel Egco na imbestigahan ang pagkamatay ni Villapando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?