135

Jul 25, 2018 @ 14:22
By

Camasura, dismayado sa pagkatalo ng Pasay

Lupaypay si Pasay Voyagers team manager Marc Camasura sa naging resulta ng homecourt game nila laban sa Bacoor Strikers sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League, Martes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Imbes na panalo raw ang isinukli nila sa enerhiya ng kanilang home crowd, pagkatalo pa ang kanilang ibinigay.

“We had a let down, but actually we are really hoping that we would come up with a win,” sabi ni Camasura.

Naselyuhan ng Voyagers ang first quarter na may four-point lead, 20-16.

Nagpaulan naman ng tres sina Ron Lastimosa, Jaypee Belencion at Jan Jamon sa second quarter para maposasan ang 53-34 lead sa first half ng Pasay.

Pero pagdating ng third quarter ay naagaw ang kalamangan sa host team.

Hindi nagpadaig si Belencion ng Pasay at tumikada ng tatlong sunod na 3-point shots para makuhang muli ang 73-65 lead.

Nahabol ito ng Bacoor at pinatumba ng depensa nila ang Pasay sa huling quarter para masungkit ang panalo na 90-86.

“It is a tough loss, I hope they’ll learn from it. The only way to get better is to learn from it. We will work on sustaining the defense, we can’t let down, especially in front of a home crowd like that. We have to make the fans proud, sayang, but I hope the guys will get better,” ani Camasura. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?