93

May 8, 2021 @ 22:01
By

Calvin may sariling mundo – Lee

INAMIN ni Magnolia Hotshot Paul Lee na kahit malaking bala sa kanilang koponan si Calvin Abueva ay may `isyu’ pa rin ito pagdating sa team chemistry.

Hindi kasi itinanggi ni former UE Red Warrior Lee na minsa’y parang lutang ito at may sariling mundo.

“I’ll be honest, si Calvin minsan parang meron siyang sariling mundo sa laro, which is minsan okay naman sa team ‘yung nangyayari, pero minsan masaman rin sa team ‘yung nangyayari,” saad ni Paul.

Bagama’t sabaw o paiba-iba ng timpla ay tiniyak ni Lee na madali namang sakyan si ‘The Beast’ Abueva, napapasunod at malaking armas ng Hotshots.

“So ‘yun ang isang bagay na kailangan ma-control namin siya or masabihan namin siya,” dagdag ni Lee.

“Si Calvin magiging flexible siya sa team namin, kasi he can guard small, and he can guard ‘yung bigs ng iba. Malaking bagay siya dun,” pahabol pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?