33

By

Caluag balik-Asiad, De Guzman umatras

Bumalik si 2014 Incheon Asiad BMX gold medalist Fil-Am Daniel Patrick Caluag sa delegasyon ng bansa para sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Pero kasabay sa pagbabalik niya, nabawasan na naman ng isa pang medal potential ang Team Pilipinas para sa nalalapit na multi-sport meet sa katauhan ni Malaysia 2017 Southeast Asian Games gymnastics gold medalist Kaitlyn de Guzman.

Ayon kamakalawa kina Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion at secretary general Bettina Pou, dumaranas ang US-based gymnast sa pagbabalik ng hip injury sa kabila na nagpaopera na sa kaagahan ng taon.

Wagi ang 18-anyos ng SEA Games uneven bars gold at floor exercise silver noong Agosto at nagpahayag ng kasabikang makapag-Asiad.

Sa nangyari, nakatuon na lang si De Guzman sa 30th SEAG 2019 na itataguyod ng Pinas, habang pinalit sa kanya sa contingent si Fil-Am Corinne Banagan, 16, ng New York, at nakapag-Cebu Philippine National Games noong Mayo.

Pinaalam naman ni Integrated Cycling Federation of the Philkippines pres. Abraham Tolentino ang pagbalik-national contingent ni Caluag nang maayos na ang magiging pamasahe nito mula Estados Unidos pa-Indonesia.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?