54

By

Caltex gumiba ng Guinness World record

Naghahanda na ang Caltex, na mina-market ng Chevron Philippines Inc., na sumungkit ng isang world record sa kanilang bagong kampanya na may bansag na ‘World Record-Breaking Fuel’.

Kasama ang National Geographic, ipapakita sa two-part series ng Record Rides ang kakayahan ng world-class fuel na makakuha ng mga record-breaking na accomplishment sa pag-akyat sa Doi Chang Mountain Road sa pinakamabilis na oras gamit ang isang 28-year-old na kotse.

“As a leading visual storyteller, National Geographic’s programming pillars of exploration, education and science resonate well with the Caltex brand. Hence, we are proud to partner with the channel to create Record Rides for our viewers and motorists in Asia.” “This show will demonstrate how Caltex with Techron® fuels can power an engine towards achieving an extraordinary journey,” ayon kay Brian Fisher, ang Caltex Brand Manager.

Sa nasabing serye, nakipagtagisan ng galing ang adrenaline junkie at radio DJ KC Montero kontra kay Jamaican-Chinese professional rally race car driver, Natasha Changpara sa nasabing feat ng pag-akyat sa Doi Chang Mountain Road gamit ang Caltex with Techron fuel.

“Caltex partnered with Guinness World Records and set a timing of 6 minutes 52.692 seconds with Natasha achieving the coveted title the fastest ascent of Doi Chang Mountain Road by using a 28-year old car,” saad ni Fisher. “With the world record powered by Caltex with Techron®, our campaign encourages drivers to fuel up the same fuel that set a world record and experience its power in their everyday drive.”

Ang Caltex with Techron ay ginawa para malinis at maprotektahan ang mga makina ng kotse. Sa pamamagitan ng world record, naipamalas ang pagiging epektibo ng mga kotse na gumagamit ng Techron technology.

Ang kampanya ay isasagawa mula Hulyo hanggang Oktubre 2019, na gagawin sa Cambodia, Singapore, Thailand, Philippines, Malaysia, at Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?