23

Oct 26, 2021 @ 12:42
By

Caloy Yulo may premyo sa PSC

Makakatanggap si Pinoy gymnast Carlos Yulo ng P750,000 mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanyang tagumpay sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Japan.

Matatandaang nakuha ni Yulo ang ginto sa vault at silver naman para sa parallel bars.

Kaya naman ayon kay PSC Chairman William Ramirez, P500,000 ang matatanggap ni Yulo para sa gintong medalya at P250,000 para sa silver medal.

Maraming pinabilib si Yulo sa kanyang performance sa naturang torneo na siyang pagbangon niya matapos kapusin sa Tokyo Olympics. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?