86

Jul 4, 2019 @ 23:00
By

Caloy dismayado sa pagsandal palagi ng locals kay Bowles

Dismayado si coach Caloy Garcia sa kanyang Rain or Shine locals na sobrang nakadepende kay import Denzel Bowles.

Miyerkoles ng gabi ay tumikim ng 21-point drubbing ang Elasto Painters 102-81 mula sa namamayagpag na TNT KaTropa.

Tumibay ang kapit ng KaTropa sa unahan sa 8-1, abot-kamay na ang top seeding na twice-to-beat sa susunod na round.

Nagsumite si Bowles ng 28 points, pero wala nang ibang naka-double figures maliban sa 19 ni rookie Javee Mocon na 6 of 14 pa mula sa field.

“Medyo nakaka-frustrate seeing your import do his best, but the locals are not really playing consistent,” bulalas ni Garcia. “You see them play good one game, and off the next.”

Pininturahan ni Bowles ang iba pang boxes ng stat sheets ng 8 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks.

Masyado nag-relax ang Elasto Painters dahil kay Denzel, ayon kay Mocon na naka-double-double din sa ibinabang 10 rebounds at may 5 feeds at 2 steals pa.

“Naging complacent kami,” aniya. “We rely on him too much. Nawala ‘yung sarili naming confidence.”

Sa pangalawang sunod na talo, natengga sa eighth place ang Rain or Shine sa 3-5 baraha.

“We just have to win all of our games to make sure na makakapasok kami sa quarterfinals,” giit ni Garcia.

Top eight lang ang uusad sa playoffs, puro bigatin ang sasagupain ng Painters sa huling tatlong laro sa eliminations – Alaska (July 6), Magnolia (July 10) at San Miguel Beer (July 13).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?