32

Oct 10, 2021 @ 18:23
By

Caloocan solon nadale ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 si Caloocan City 1st District Representative Dale ‘Along’ Malapitan.

“Ikinalulungkot ko pong ipabatid na ako ay positibo sa COVID-19 sa kabila ng aking mga pag-iingat na ginagawa at masusing pagsunod sa mga health at safety protocols,” pahayag ni Malapitan ngayong Linggo.

Gayunman, wala umanong dapat ipangamba ang mga nakadaupang-palad niya sa filing ng certificate of candidacy dahil negatibo pa raw siya sa virus nang maghain siya ng kandidatura.

“Nais ko rin pong linawin na nagpa-swab test ako at ang aking buong team at mga staff noong October 5, 2021 bilang paghahanda sa paghahain ng aking Certificate of Candidacy kinabukasan, October 6, at NEGATIBO po ang resulta naming lahat,” dugtong pa niya.

Si Malapitan ay tatakbong alkalde ng lungsod. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?