30

May 11, 2021 @ 15:33
By

Caloocan Police commander sinibak sa Gubat sa Ciudad opening

Sinipa sa kanyang puwesto ang commander ng Caloocan City Police Sub-Station 9 ngayong Martes, Mayo 11 dahil sa hindi awtorisadong operasyon ng isang resort sa kanyang nasasakupan, na nauwi sa paglabag sa mga quarantine protocol.

Anang Caloocan City government, sinibak ni City Police chief Col. Samuel Mina si Maj. Harold Melgar.

Papalitan si Melgar ni Lt. Ronald Batalla.

Sinibak si Melgar matapos mabisto ang pagtanggap ng Gubat sa Ciudad resort, na matatagpuan sa Barangay 171, Bagumbong, ng mga bisita noong Mother’s Day.

Kumalat sa social media ang mga litrato kung saan makikita ang dagsang bisita ng resort na lumabag sa protocol laban sa mass gathering.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?