12

Aug 25, 2021 @ 10:40
By

Caloocan Mayor Oscar Malapitan nadale ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Inanunsyo ito ng alkalde sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkoles.

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang mga naka-close contact niya na agad na mag self-quarantine at sumailalim sa swab test sa posibilidad na nasapol din sila ng nasabing virus.

Ani Malapitan, kasalukuyan na siyang nasa mabuting kalagayan at nagpapagaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?