65

Jan 11, 2022 @ 10:54
By

Caloocan City Jail warden sinibak sa pwesto

Sinibak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Caloocan City Jail warden na si Neil Subibi kaugnay ng sumiklab na riot sa kulungan kung saan anim ang patay at 33 ang sugatan.

“Anim na PDL (persons deprived of liberty) ang kumpirmadong nasawi sa insidente samantalang 33 naman ang nasugatan. Nakipagugnayan na ang pamunuan ng Caloocan City Jail sa pamilya ng mga nasawi,” wika ni BJMP Spokesperson Xavier Solda.

Ngayong Martes umano ng hapon ay uupo ang bagong warden na si Jail. Supt. Lloyd Gonzaga.

Nanatili namang nasa heightened alert ang kulungan dahil sa naganap na riot.

“Nananatiling naka-heightened alert ang Caloocan City Jail matapos ang nangyaring riot kahapon na nagsimula lamang sa pikunan ng dalawang PDL hanggang lumaki na ito at naging away na sa pagitan ng dalawang malaking grupo,” pahayag pa ni Solda.

“Pansamantala din munang itinigil ang anumang aktibidad sa pasilidad habang isinasagawa ng BJMP ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari,” dagdag pa nito. (MJD)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?