15

By

Calolot 1 sa 4 na nambulaga

Sharing is caring!

NIYANIG ng 4 na kababaihan, sa pangunguna ni Chantal Isabelle Calolot ng Wednesday Group of Runners-Taguig City ang mga lalaking karibal upang mapabilang sa 6 na komopo ng mga titulo sa umarangkada noong Linggo, Hulyo 22 na Maryknoll/Miriam College Alumni Association 2018 BBrave Swim Run For Fun sa MC campus grounds sa Katipunan, Quezon City.

Inangklahan ng 10 taon, tubong Maynila pero residente na ng Malabon City, Concepcion Elementary School grade 5 at bunso sa dalawang anak ng OFW-Saudi Arabia at teacher, ang 1-2 finish ng mga babae sa Solo 7-10 years old–Swim 200m/Run 500m sa clocking na 6 minutes at 53 seconds.

Kasunod niya si Gabriella Brianna Bonifacio (7:11), na gaya ni Calolot binulaga rin ang nag-3rd na lalaking si Sky Xander Guevarra (7:17).

Sinorpresa rin ni Andrea Villanueva (33:37) sina Jimuel Niko Patilan (34:06) at John Michael Delicano (39:12) para pumrimera sa Solo 18 yrs old & up–Swim 600m/Run 5km.

Himalang nag-1-3 sa Relay Open sina Janelle Ashley Blanch (15:55) at Melanie Sarao (17:15) kung saan ika-2 si Jacob Sebastian Blanch (15:55).

Gulat din ang marami sa silver ni Ma. Elizabeth de Leon na naungusan lang sa photo finish ni Zeb Paulo de Leon na nag-gold sa identical time nilang 14:17 kabuntot ang naka-bronze na si Adrian Karlo Malasig (15:00) sa Family Pair.

Top 3 winners sa Solo 11-14 Swim 400m/Run 3k sina Johnpaul Erick Abustan (9:13), Enrique Joaquin Sto. Domingo (9:15) at Joaquin Victor Matias 11:45, at sa Solo 15-17 Swim 600m/Run 3k sina Marcus Faytaren (16:25), Jericho (16:50), at Jonathan Reyes (17:07).()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?