100

Nov 26, 2017 @ 14:17
By

Call, text at internet, magmamahal pa sa pagpasok ng foreign investors

Mariing tinututulan ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na papasukin ang ibang bansa gaya ng China sa telecommunications industry sa Pilipinas.

Ito’y sa gitna nang pagkadismaya sa mabagal na serbisyo ng internet sa bansa.

Pero sabi ni Zarate, hindi makabubuti sa consumers ang balak ng presidente dahil tiyak na magpapamahal ito sa mga serbisyo ng telcos gaya ng singil sa tawag, text at internet.

Imbes na buksan sa foreign investors, iminungkahi ng kongresista na huwag limitahan ng gobyerno sa “oversight” ang papel nito sa utility kundi aktibong lumahok at magkontrol ng mga ito.

Paliwanag ni Zarate, napatunayan na sa maraming pagkakataon na hindi epektibo sa pagpapaganda ng serbisyo ang “liberalization” at “privatization” dahil nagreresulta lamang ito sa mahal na singil gaya na lamang sa kuryente.

“Liberalization and privatization failed to deliver the promised efficient, affordable and good services for our people. Our power industry, for instance, was liberalized and opened up to a “free market” competition, but it has, in fact, only resulted to sky-high electricity rates, 5th highest in the world. It also did not necessarily result to better services or succeeded in bringing power to a wider part of our country sides,” giit ni Zarate.

Naniniwala naman ang mambabatas na ang pahayag ng pangulo ay hudyat sa Kongreso para paspasan ang pagpasa sa Resolution of Both Houses No. 8 o sa Charter Change para payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga negosyo sa Pilipinas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?