33

Sep 29, 2020 @ 20:17
By

Call center sa QC binulabog ng bomb threat

Kaagad na nagpadala ng respone sa isang call center sa Quezon City dahil sa pananakot na may bomba umano sa building ng BPO company.

Sa report ng pulisya, nakatanggap ng mensahe ang security commander ng Infocom Philippines Martes ng gabi.

“Sasabog ang Bldng., ng Jack Man Infocom sa loob ng isang oras d aq nagbibiro,” bomb threat sa naturang call center.

Pumunta ang miyembro ng Quezon Police District explosive ordnance disposal (EOD) Unit para mainspeksyon ang gusali.

Wala namang nakitang banta ng bomba ang pulisya sa gusali ng call center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?