25
kush
By

Call center agent na tulak ng ‘kush’, isa pa, huli sa buy-bust

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang tulak na kilalang nagbebenta ng high grade marijuana o ‘kush’ sa mga call center agents matapos ang ikinasang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Irwin Joseph de Castro y Medrano, 41-anyos, call center agent, Block 2-b, Lot 15, Cadena de Amor St., Modesta Village, San Mateo, Rizal at Edgard Shane Benavidez y Bernardo, 220-anyos, residente ng 78 Gen. Ordoñez St., SSS Village, Concepcion Dos, Marikina City.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Marikina City Police Station’ Drug Enforcement Unit bandang 8:30 kamakalawa ng gabi sa lugar ni Benavidez sa SSS Village, Concepcion Dos, na kung saan ay nakumpiska ang tinatayang nasa 15 gramo ng high grade dried marijuana leaves o mas kilala bilang “kush”, at P1,000 peso marked buy bust money.

Nabatid na bukod sa pagiging call center agent ni De Castro ay suma-sideline pa ito sa pagtutulak ng marijuana sa ilang kasamahan sa call center office sa Marikina na posibleng kumakalat pa sa ilang opisina.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?