505

Mar 22, 2019 @ 14:15
By

Call center agent na may katagpo, natagpuang patay sa Pasay

Puno ng pasa ang mukha at katawan, binusalan ng towel, tinalian ang paa at bali ang leeg nang makita ang isang call center agent sa talahiban sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng Balitanghali, natagpuan ang bangkay ni Jake dela Peña, 31-anyos, noong Marso 15.

Pagkauwi umano galing sa trabaho si Dela Peña noong Marso 14 ay mayroon umano itong katagpo na nakilala niya sa Facebook na siya ngayong “person of interest” ng mga awtoridad sa krimen.

Posibleng robbery umano ang motibo sa krimen dahil walang nakitang mga gamit ng biktima sa crime scene gaya ng cellphone.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang publiko na kung makikipagkita kung kaninuman ay ipaalam ito sa mga kapamilya o kaibigan para sa inyong seguridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?