1,479
rape1
By

Call center agent na adik sa rape, arestado sa Pasig

Nagwakas na ang makamundong bisyo ng isang nagpapanggap na talent scout matapos siyang mahuli sa isinagawang follow-up operation dahil sa panggagahasa sa dalagita sa Pasig.

Ayon sa ulat sa 24-Oras, ginahasa ng suspek na si Ryan Abueva, call center agent, ang 17-anyos na biktima matapos dalhin sa motel.

Nagkakilala sa social media ang dalawa at naengganyo ng suspek ang biktima sa alok na pagmo-model.

Pinangakuan umano ang biktima ng anim na buwan na kontrata at kita na P20,000.

Sa isang motel umano itinakda ng suspek ang photo shoot pero ang tunay niyang motibo ay galawin ang biktima.

Kwento ng biktima, inutusan siyang maghubad ni Abueva at nang hindi siya sumunod, bigla siyang tinulak sa higaan at sinimulang halayin.

Umamin ang suspek sa ginawa sa dalagita at marami na umano siyang nabiktima.

Para aniyang hinahanap-hanap niya at naging habit na niya ang panghahalay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?