116

Dec 19, 2017 @ 16:33
By

Call center agent, kalaboso sa pang-uumit sa mall

Inaresto ng mga awtoridad ang isang call center agent matapos magnakaw ng mga gamit pambata sa isang department store sa A.H Lacson St, Sta Cruz, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas Kathy, 28 anyos at nakatira sa 1055 Torres Bugallon St, Tondo.

Kuwento ng gwardya ng department store na si Teodolfo Concepcion, kahina-hinala ang naging kilos ng suspek kaya minatyagan nya ito.

Nang palabas na ng department store, hindi ito nagpakita ng resibo at dirediresto itong dumaan sa exit.

Dito na sya hinarang ng gwardya at dinala sa security office. Mula sa security office, dinala naman sya Blumentritt PCP at sa huli ay na-turn over sa Manila Police District Station 3.

P2, 718.75 ang kabuuang ninakaw ng suspek na narekober naman ng mga otoridad.

Depensa naman ng suspek, hindi nya umano intensyon na magnakaw at nais lang nya maibigay ang hiling na mga damit ng anak.

Kasong theft ang kakaharapin ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?