145

Mar 13, 2019 @ 18:25
By

Call center agent arestado sa panghahalay sa pinsan

Isang call center agent ang dinakip sa Mandaluyong City dahil sa dalawang beses umano nitong panggagahasa sa kanyang menor de edad na pinsan.

Kinilala ang suspek na si Juan Meriado, 25.

Ayon sa ulat, 16-anyos umano noon ang biktimang itinago ang pangalan nang i-report nito ang pangre-rape sa kanya ni Meriado noong 2018.

Nangyari umano ang dalawang beses na panggagahasa sa kanya noong 2014 at 2018 sa Paco, Maynila.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?