5

By

Calisaan pinuri sa pagsuwag ng Baste sa Mapua

Sharing is caring!

Bagama’t laglag na sa 94th season NCAA, umararo pa rin ang San Sebastian College-Recoletos Stags nang lampasuhin nito ang Mapua University Cardinals, 86-64, Biyernes sa FilOil Flying V Centre.

Bitbit ngayon ng Stags ang 5-12 na kartada habang bagsak sa 4-13 ang Cardinals.

Nanguna para sa Stags si RK Ilagan na pumoste ng 26 puntos, anim na rebounds at tig-isang assist at steal katuwang si Michael Calisaan na may 16 puntos, limang rebounds, dalawang assist at isang steal.

Huling taon na ito ni Calisaan sa Stags at para kay coach Egay Macaraya, isa aniyang huwaran na manlalaro sa kanila si Calisaan.

“Well Michael has showed loyalty to Baste and he’ our role model. Alam niyo si Michael marami nang na-deliver ‘yan na player of anything but it’s not like that, he just play as hard as he can every game,” sabi ni Macaraya.

Sa kabilang panig naman, ang rookie na si Warren Bonifacio ang bumibit sa Cardinals nang tumapos ito ng 14 puntos at 15 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?