20

Mar 10, 2020 @ 14:19
By

California niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Binulabog ng magnitude 5.8 na lindol ang northern California.

Ayon sa US Geological Survey sa NBC News, naitala ang lindol ng Linggo ng alas-otso ng gabi, Marso 8 malapit sa Petrolia, California.

Sa kabila nito, walang inisyu na tsunami warning, ayon sa Tsunami Warning Center.

Wala ring naiulat na pinsala o casualty sa lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?