2,010
ABANTE-TNT-solgen-ml-ex-calida
By

Calida takot kay Trillanes? Minadali ang Proclamation 572 dahil sa pag-usisa sa P359M government contract

Bumanat muli si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa naging sambit ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Solicitor General Jose Calida ang pasimuno ng pagbawi ng kanyang amnestiya.

Ayon kay Trillanes, nag-apura si Calida upang mapabilis ang pagpapasa ng Proclamation 572 dahil noong araw ding ‘yon ay alam nitong iimbestigahan ang kanya umanong kontrata sa gobyerno na halos P359 milyon ang halaga.

“Si Mr. Calida na gumawa nitong proclamation, bakit niya minamadali ito? Kasi siya alam niyang iimbestigahan ko siya noong araw na yon. At pinakita ko P359 million worth of contracts sa gobyerno ang nakorner nitong si Calida.” ayon kay Trillanes.

Sinabi rin nito na maaring may conflict of interest ang pagiging abugado ni Calida para sa gobyerno na maaring naging dahilan sa dimanong paghamig nito ng milyones na kontrata.

“And remember si Calida, siya ang abugado ng bawat ahensya ng gobyerno so maliwanag na may conflict of interest. So itong mga ito, sindikato niya (Duterte) eh diba?” sambit ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?