132
jose-calida
By

Calida no show sa pagdinig sa Senado

Hindi sinipot ni Solicitor General Jose Calida ang pagdinig ng Senado sa panukalang badyet sa 2019 ng kaniyang tanggapan at ng Department of Justice (DOJ).

Sa pagdinig ng Senate committee on finance, sinabi ng kaniyang assistant na si Henry Angeles na nasa Malacañang si Calida dahil may pulong.

“I was told yesterday that the Solgen was being asked to be on standby for a meeting with the OP (Office of the President) so he asked me to attend, your honor,” tugon ni Angeles kay Trillanes.

Hindi naman nagalit at nag-urirat pa ang senador, sa halip ay nagbiro ito.

“Well, kung nandito siya, papa-increase-an ko rin sana sila eh,” sabi ni Trillanes.

Si Calida ang itinurong nasa likod ng pagpapakansela ng amnestiya ni Trillanes na nagbunsod para ipabuhay ang kaniyang mga kasong rebelyon at kudeta.

Hinihinala ni Trillanes na kinuha at itinago ni Calida ang kaniyang nawawalang amnesty application form.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?